Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA ang pagkamatay ng dalawang Pilipina sa isang aksidente sa Palmdale, California, USA.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na ipinaabot na nila ang pakikiramay sa pamilya ng mga nasabing Pinay.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang Philippine Consulate General sa Los Angeles sa US authorities para sa mga detalye ng naturang aksidente.
Ipinabatid ni Consul General Adel Angelito Cruz na ang sasakyan ng dalawang Pinay na kapwa 60-taong gulang ay bumangga sa isang construction truck sa 14 Freeway malapit sa Palmdale Boulevard.
—-