Umalma ang dalawang (2) Pilipinong inaresto sa Malaysia sa taguring ‘terorista’.
Kasunod ito ng pagkakasangkot ng mga naturang Pinoy sa plano umanong pag – atake sa closing ceremony ng 29th Southeast Asian Games at pakikipag – ugnayan sa Abu Sayyaf Group (ASG).
Ang mag – bayaw na sina Hajar Abdul Mubin at Abdul Syamir Dabilin ay sumalang sa pag – uusig.
Si Hajar alyas ‘Abu Asrie’ ay nahaharap sa kasong paglabag sa penal code ng Malaysia dahil sa pagiging miyembro umano ng ASG noong 2010 at pagsasagawa ng terror acts sa Malaysia.
Si Dabilin ay kinasuhan din sa paglabag sa penal code ng Malaysia dahil sa umano’y sadyang pagbawas ng impormasyon kaugnay sa isang terror act.
Kabilang ang mga nasabing Pilipino sa anim (6) na Malaysian at labing isang (11) hinihinalang terorista na inaresto sa dalawang buwang anti – terrorist operation ng Malaysian police bago ang SEA Games.