Dalawang Pinoy boxer ang nakasungkit ng gintong medalya sa katatapos lamang na Feliks Stamm tournament sa Warsaw, Poland.
Nakasikwat ng gintong medalya ang 2015 Southeast Asian Games gold medalist na si Ian Clark Bautista matapos ang kanyang panalo via unanimous decision sa flyweight division kontra Zarip Jumayev ng Turmenistan.
Napasakamay din ng 3-time SEA Games Silver Medalist na si Nesthy Petecio ang ginto sa kanyang split decision win laban kay Ornelia Wahner ng Germany.
Kapwa mag-uuwi naman ng bronze sina Lightweight Champion Junel Cantancio at Bantamweight Champion Mario Bautista.