Lumakas pa ang tiyansa ng 2 Pinoy boxer na makapasok sa Rio Olympics.
Ito ay matapos ang impresibong panalo kagabi ni Pinoy Welterweight Boxer Eumir Felix Marcial sa ginanap na AIBA World Championship sa Doha Qatar.
Ayon kay Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) Executive Director Ed Picson, sa unang round pa lamang ay na technical knockout na ni Marcial ang kalabang Egyptian boxer na si Walid Said Mohamed.
Dahil dito, umusad na si Marcial sa quarterfinals at sunod na makakaharap ang pambato ng Kazakstan.
Ngayong araw naman, lalaban ang isa pang Pinoy sa light flyweight na si Rogen Landon kontra kay Joselito Altamirano ng Mexico.
Inaasahan namang mabubuhayan ng loob ang mga boksingerong Pinoy dahil manunuod mismo sa kanilang laban ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
By Ralph Obina