Kinasuhan ng US Department of Justice ang 2 Pilipino na opisyal ng isang cargo ship dahil sa pagtatapon ng maruming langis sa karagatang sakop ng Estados Unidos.
Ayon sa report ng splash247.com, 9 na kaso ang kinakaharap nina Chief Engineer Rustico Yabut Ignacio at Second Engineer Cassius Flores Samson, mga opisyal ng Ocean Hope cargo ship.
Inaakusahan ang dalawa na gumamit ng magic pipe upang makaiwas sa pollution prevention equipment ng US.
Gumamit rin di umano ng impluwensya ang dalawang Pinoy sa mga crewmen ng cargo ship upang hindi mabuko ang ginawa nilang pekeng log entries at pagsisinungaling sa US Coast guard investigators.
By Len Aguirre