Matapos maging viral sa social media ang nakakahiyang video ng performance sa SEA Games, positibong tinanggap ng dalawang atletang Pinoy ang kahihiyan bunga ng kanilang zero score sa 3 meter springboard diving finals.
Hindi sukat akalain nila John David Pahoyo at John Elmerson Fabriga na ang kanilang pagkapahiya sa SEA Games ay magsisilbi pang inspirasyon sa iba kung paano haharapin ang pagkapahiya at kabiguan.
Nakatanggap ng zero score ang dalawa sa springboard diving matapos bumagsak ng patalikod sa tubig.
Sa halip na magmukmok sa palpak na performance, pinagtawanan lamang ng dalawa ang nangyari at sinabing hindi lamang sila ang atletang nakaranas ng bad landing sa tubig.
By Mariboy Ysibido