Pasok na sa finals ng 2021 Asian Karate Championship ang dalawang atleta na pambato ng bansa na kinilalang sina Junna Tsukii at Jamie Lim.
Makakaharap ni Tsukii ang pambato ng Kazakhstan para sa women’s 50-kilogram division na gaganapin sa Almaty, Kazakhstan kasunod ng kaniyang pagkapanalo laban sa mga Karate Athlete ng South Korea.
Matapos namang matalo ni Lim ang tatlong manlalaro sa kaniyang unang sinalihang event ay kaniya namang makakalaban sa finals si Sarah Alameri ng UAE sa 61-kg. Class.
Sa ngayon, naghahanda na ng pinaka magandang strategy ang dalawa para maiuwi ang gintong medalya sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero