Kapiling na ng kanilang mga pamilya ang dalawang Pinoy fishermen na sinagip ng Chinese Coast Guard malapit sa Scarborough Shoal.
Kasunod na rin ito nang pag-turn over ng Chinese authorities sa Philippine Coast Guard kina Morrey Shoera at Lloyod Acquit.
Ayon sa dalawang mangingisda, inabot sila ng malalakas at malalaking alon sa Shoal area habang sakay ng tatlong maliliit na bangka kasama ang apat na kapwa mangingisda.
Dahil ditto, tumaob anila ang bangkang sinasakyan nila at kumapit na lamang sila sa uubrang makapitan para lamang makalutang bago nasagip ng Chinese Coast Guard.
Cagayan fishermen
Samantala, ipinagpatuloy naman ang paghahanap sa limang nawawalang mangingisda sa Cagayan.
Ayon sa Office of Civil Defense-Region 2, sinusuyod pa nila ang ibang lugar maliban sa mga bayan ng Sta. Ana at Claveria matapos mawala ang Pinoy fishermen simula pa noong November 27.
Sinabi ng Air Force na nagsagawa na rin sila ng aerial search and rescue operation sa karagatang sakop ng Cagayan subalit bigong makita ang mga Pinoy fishermen.
Maliban sa limang nawawalang mangingisda sa Cagayan ..dalawa pang mangingisda rin ang pinaghahanap ng mga otoridad sa batanes matapos magka aberya ang sinakyang bangka dahil sa epekto ng bagyong Marce.
By Judith Larino