Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na kabilang ang mag-asawang Pilipino sa Paris, France sa mga namatay sa sunog sa isang residential building.
Kinilala ang dalawa na sina Francisco at Cresencia Abalos mula Pangasinan.
Dahil dito, umakyat na sa 12 ang nasawi at mahigit 30 ang nasugatan sa sunog na tumagal ng limang oras.
Anim na Pilipino ang kabilang sa mga naninirahan sa nabanggit na apartment building kung saan apat sa kanila ang nakaligtas.
Naaresto naman ang babaeng suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong arson.
—-