Planong pasiglahin ng dalawang Pinoy olympic medalists ang Philippine Sports Commission (PSC) – Batang Pinoy National Championship na nakatakdang buksan bukas, December 17, 2022 sa Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur.
Pangungunahan nina Olympian silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio ang centerpiece program ng katutubo ng PSC para sa grassroots sports.
Makikiisa rin sa programa ang mga kapwa national elite athletes na sina Judoka Kiyomi Watanabe, Sea Games Gold Medalists Chloe Isleta at Mary Allin Aldeguer.
Nabatid na aabot sa P6,000 ang lalahok mula sa mahigit 140 local government units ang nakatakdang magtipun-tipon sa lalawigan para makipaglaban sa siyam na face-to-face sports kabilang na ang:
Archery, athletics, badminton, chess, cycling, table tennis, swimming, weightlifting, obstacle course racing bilang demo spot. Isasama din ang sports disciplines, arnis, dance sport, judo, karate, muay thai, pencak silat, taekwondo, at wushu.