Dalawa (2) sa 4 na nasugatan sa pagsabog sa border ng Yemen at Saudi Arabia, ay mga Pilipino.
Kinumpirma ni Foreign Affairs Spokesman Charles Jose na kabilang sa mga tinamaan ng shrapnel ay ang isang Pilipinong construction worker at isang Pilipinong nurse.
Una nang lumabas ang report na bumagsak ang bomba sa bisinidad ng Samtah General Hospital, kung saan nagta trabaho ang nurse at nataon naman na naglalakad malapit dito ang construction worker.
By Katrina Valle | Allan Francisco