Dalawa pang Pinoy sa Singapore ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) naka-confine na sa health facilities sa Singapore ang naturang mga Pinoy.
Kasabay nito, tiniyak naman ng Philippine Embassy na tutugunan ang pangangailangan ng mga ito.
Ito na ang ikalawa at ikatlong kaso ng Filipino na nagpositibo sa virus sa Singapore.