Nakauwi na ng bansa ang dalawang Filipino seafarers na nasagip mula sa lumubog na cargo ship sa Japan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sina chief officer Eduardo Sareno at deck crew Jay-Nel Rosales ay dumating sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sina Sareno at Rosales ay kasama sa halos 40 mga Pinoy na lulan ng Panamanian-flagged vessel Gulf Livestock 1 nang tumaob ito sa karagatang sakop ng Japan.
Nagpapatuloy ang search and rescue operations para sa 36 na nawawalang crew.