Dalawang antiviral drugs ang isasalang sa clinical trial ng Glenmark Pharmacueticals Ltd. sa India bilang potensyal na gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Tinukoy ng Glenmark ang dalawang gamot na favipiravir at umifenovir.
Tiniyak ng Glenmark ang pag-apruba ng Indian regulatory para sa nasabing pagsusuri kung saan target nitong mailahok sa clinical trial ang nasa 158 pasyenteng mayroong moderate COVID-19.
Sa ngayon isa ang India sa mga bansang matinding naaapektuhan ng COVID-19 pandemic na may death toll na 4,167.