Dalawang (2) presidentiable ang makikinabang sa mga botong para sana kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito ang paniniwala ni Professor Edmund Tayao ng University of the Philippines.
Ayon kay Tayao, ang hinahanap ng mga dismayadong botante ay ang third choice matapos umatras si Duterte kaya’t ayaw na nila ang mga pulitikong matagal nang nagpahayag na kakandidato sa susunod na taon.
Bukod dito, sinabi ni Tayao na marami pa ring Pilipino ang undecided kung sino ang iboboto kaya’t kailangan ng 2 senador na gumawa ng paraan para makuha ang loob ng mga botante.
Inihayag ni Tayao na malakas pa rin lalo na sa mga kabataan si Santiago bagamat matagal na hindi nasilayan at mababang ratings sa surveys kaya’t dapat nitong seryosohin ang pagtakbo.
By Judith Larino