Dalawang preso ang patay matapos umanong mahirapang huminga o ma-suffocate sa kulungan ng Philippine National Police sa General Trias City, Cavite.
Kinilala ng General Trias City Police ang mga biktimang sina Mannie Libres at Christian Orbita habang patuloy na inoobserbahan ang kalagayan ni Arnel Biticon na pawang may kasong kaugnay sa illegal drugs.
Congestion o siksikan ang sanhi ng kamatayan ng mga naturang bilanggo sa Police Community Precinct 4 ng General Trias.
Tinatayang 170 katao ang nakapiit sa nabanggit na presinto na para lamang sa 70 bilanggo.