Kinumpirma na ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na may 2 preso sa Quezon City Jail na nakatakas.
Kinilala ang mga nakatakas na preso na sina Mamerto Velenzuela at Dennis Valdez.
Pero ayon kay Xavier Zolda na tagapagsalita ng BJMP, ang isa sa mga nakatakas ay may kasong rape habang ang isa may kasong kaugnay sa ilegal na droga.
Kaninang alas 4 ng umaga nang mapansin ng mga Jail Officer na nawawala na ang 2 preso o noong kasagsagan pa ng Earthquake Drill.
Sa ngayon ay magsasagawa pa rin ng paghahanap at imbestigasyon ang mga otoridad.
Nauna nang kasing nabanggit ng Jail Officers na may tunog silang narinig mula sa Drainage ng City Jail, na parang nagpupukpok, at posibleng dinaanan ng mga presong pumuga.