2 probinsya, 1 siyudad at 9 na munisipalidad ang nasa ilalim na ng state of calamity matapos bumayo ang Bagyong Lando
Kabilang dito, ayon kay National disaster Risk Reduction Management Council Executive Director Alexander Pama ang Aurora at Isabela; ilagan, Isabela; Arayat, Pampanga; Supot, Ilocos sur; Calumpit, Bulacan; Infanta, Quezon; Baler, Aurora; Camiling, Tarlac; Nakar, Quezon; Cabatuan, Isabela at Ramos, Tarlac .
Sinabi ni Pama na pumapalo na sa 9. 4 billion pesos ang pinsalang iniwan ni Lando sa sektor ng agrikultura at imprastruktura.
Nagpapatuloy pa rin aniya ang area assessment ng pamahalaan sa Central Luzon, Northern Luzon at Cordillera Administrative Region.
By: Judith Larino I Jonathan Andal