Gagawing prayoridad ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa Davao City ang 2 nitong proyekto para sa mga babae na ‘children in conflict with the law’ (CICL) at sa mga kalalabas pa lamang mula sa drug rehabilitation centers.
Ayon kay CSWDO chief Marlisa Gallo, nakapaloob ang mga nasabing inisyatibo sa Executive Legislative Agenda (ELA 2023-2025).
Sa kasalukuyan, mayroon nang Bahay Pag-asa ang lungsod para sa mga lalaking offender.