Pinagbabayad ni Manila Mayor Isko Moreno ng mahigit 25 million pesos ang dalawang public market operators na bigong mag remit ng kanilang share sa local government sa loob ng dalawang taon.
Ang tinutukoy ni Moreno ay XRC Mall Developers Incorporated at Marketlife Management and Leasing Corporation.
Ang mga nasabing market operators ayon kay Moreno ay nakipag kasundo sa administrasyon ni dating Manila mayor Joseph Estrada para sa privatization ng mga public market sa lungsod.
Dahil dito, obligado ang mga naturang market operators na mag remit ng bahagi ng kanilang kita sa city government kada taon.
Ang XRC na nasa mahigit 14 million pesos ang utang sa city government ay nag o operate sa Sta. Ana Market, San Andres Market, Sampaloc Market at Trabajo Market samantalang Quinta Market naman ang pinapangasiwaan ng Marketlife na may utang na mahigit 11 million pesos.
(with report from Aya Yupangco)