Binawian na ng buhay ang dalawang persons under investigation (PUIs) mula sa magkahiwalay na bayan sa Soccsksargen.
Ito ay bago pa man mailabas ang resulta ng kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests.
Ayon sa Health Education and Promotions Officer ng Department of Health (DOH) na si Arjohn Gangoso, isang 87-anyos na lalaki mula sa bayan ng Tacurong sa Sultan Kudarat, ang isa sa mga nasawi noong Marso 14.
Wala itong travel history sa labas ng Sultan Kudarat ngunit napabilang sa PUI makaraang makaranas ng sintomas ng COVID-19 habang naka-admit sa ospital isang araw bago ito bawian ng buhay.
Namatay umano sa acute respiratory failure secondary to chronic obstructive pulmonary disease ang naturang pasyente.
Samantala, ayon naman sa South Cotabato Provincial Epidemiology Surveillance Unit, nasawi naman sa severe acute respiratory illness ang isa pang PUI mula sa Koronadal City nito lamang Marso 18.
Samantala, lahat umano ng PUIs na naitala ng DOH sa South Cotabato ay may travel history sa Maynila at Luzon, kung saan marami na ang kumirpadong kaso ng COVID-19.