Naghain ng ‘not guilty plea’ ang dalawang (2) Caloocan police na sinampahan ng patong – patong na kaso kaugnay sa pagkamatay ng mga kabataang sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo ‘Kulot’ De Guzman.
Matatandaang sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng tig-dalawang bilang ng kasong murder at torture habang tig–tatlong bilang ng planting of evidence sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.
Samantala, hiniling naman ng abogado ng dalawang pulis na panatilihin na lamang sa kustodiya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sina Perez at Arquilita kahit pa walang inilalabas na commitment order ang Caloocan Regional Trial Court (RTC).
Sina Perez at Arquilita ang itinuturong nasa likod ng pagpatay kina Arnaiz at de Guzman na magkasamang nawala mula sa Cainta, Rizal at kapwa natagpuang wala nang buhay makalipas ang halos dalawang linggo.
Una dito, Ipinaaresto na ng Caloocan City Regional Trial Court ang dalawang pulis.
Pirmado ni Judge Georgina Hidalgo ang ipinalabas na ‘warrant of arrest’ laban kina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.