Patay ang dalawang (2) pulis Catanduanes makaraang maka-engkuwentro ang mga miyembro ng NPA o New People’s Army sa bayan ng Virac kahapon.
Ayon kay Senior Inspector Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PNP-Regional Office 5, reresponde lamang sana ang mga pulis sa nangyaring pananambang sa isa pang grupong mga pulis sa Barangay Sagrada.
Pinaputukan ng humigit kumulang na 20 NPA members ang tropa ng pulisya sa lugar na nagresulta sa pagkakasawi nila PO1 Eva Tocilino at PO3 Joseph Tupue habang sugatan naman ang kanilang hepe na si Senior Inspector Ernesto Montes.
Magugunitang isang pulis din at dalawang drug surenderees ang nasugatan sa unang pananambang ng mga rebelde sa naturang lugar.
By Jaymark Dagala / (Ulat ni Jonathan Andal)