Dinukot ng mga miyembro ng New People’s Army o NPA ang dalawang pulis sa Placer, Surigao del Norte.
Ayon kay Eastern Mindanao Command Spokersperson Major Ezra Balagtey, naka – duty ang dalawang pulis sa Bad – as Public nang dukutin ang mga ito ng nasa dalawampung (20) armadong NPA na sakay ng dalawang van.
Patuloy naman na pinaghahanap ngayon ng pulisya at militar ang dalawang hindi pinangalanang pulis.
Matatandaag sinabi ni Labor Secretary at Peace Panel Chairman Silvestre Bello III na bukod sa peace talks, nahinto na din ang back channel talks sa CPP-NPA-NDF subalit patuloy naman ang kanyang personal na pakikipag-ugnayan sa kanyang counterparts sa peace panel.