Nahaharap sa kaso ang dalawang pulis matapos makatakas ang isang drug suspek sa kanilang police station sa Quezon City.
Kinilala ang mga pulis na sina Police Corporal Ray Leonardo Mazo, 34 anyos at Police Corporal Sadam Usman Akmad, 47 anyos, kapwa nakatalaga sa Project 6, Police Station-15 ng QCPD.
Batay sa ulat, nahuli sa buy-bust operation sina Jeric Tripon Muceros at Shan Balmes Cagud kung saan, habang abala ang dalawang pulis sa documentary requirements, ay nagawang tanggalin ng suspek na si Muceros ang kaniyang posas at mabilis na tumakas habang naiwan naman si Cagud na nagsumbong sa mga pulis.
Nahaharap ngayon ang dalawang pulis sa kasong Evasion through Negligence. —sa panulat ni Kim Gomez