Sinibak na ang dalawang (2) Pulis – Mandaluyong na nakuhanan ng video na namalo ng yantok at nanutok ng baril sa mga sibilyang inaresto dahil sa pag-iinuman sa kalsada.
Ayon kay PNP o Philippine National Police Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, matapos na mapanood ang video ay agad na nagpunta si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa Mandaluyong Police Station.
Aniya, kinompronta at pinagmumura ni Dela Rosa ang dalawang (2) pulis na kinilalang sina PO1 Jose Julius Tandog at PO1 Chito Enriquez.
Dagdag ni Carlos, posible ring maipadala ang dalawa sa Marawi City.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal