Sinibak ni PNP Chief Director-General Oscar Albayalde ang dalawang pulis na nahuling nagmamaneho ng kolorum o walang rehistrong sasakyan sa ikinasang operasyon ng Inter-Agency Council for traffic o I-ACT sa Parañaque at Pasay.
Sina Chief Insp. Juan Saldua Cipriano Jr. ng Southern Police District at SPO4 Ronnie Arimbuyutan Druja ng PNP-Aviation Security Group ay nasita dahil sa pagmamaneho ng ‘unmarked vehicles’ na bumibiyahe katulad ng UV express vans at nami-mik-ap ng mga pasahero.
Sinasabing ang dalawang van ay may mga sticker din mula sa Office of the President.
Dahil dito, agad na inilagay sina Cipriano at Arimbuyutan sa ilalim ng personnel holding and accounting unit ng PNP habang iniimbestigahan ng Counter Intelligence Task Force.
Ikinatuwa naman ni Albayalde ang hindi pagkunsinti ng Department of Transportation sa ginawa ng dalawang pulis.