Isinailalim na sa restrictive custody ang 2 pulis na nakapatay sa isang sundalong galing sa giyera sa Marawi City matapos umanong tangkaing manlaban sa mga pulis sa Aurora, Zamboanga del Sur.
Ayon kay Police Chief Inspector Helen Galvez ang tagapagsalita ng PNP Region 9, may binuo na silang investigating body na siyang sisiyat sa pagkamatay ni Private First Class Rodillo Bartolome.
Kinilala ang mga nadadawit na pulis na sina PO2 Ronald Zeros at PO1 Michael Bullanday.
Ayon naman kay Western Mindanao Command Spokesperson Joan Petinglay, binigyan ng overnight pass si PFC Bartolome para makauwi sa pamilya matapos ang 3 buwang pagsabak sa giyera sa Marawi.
Nagluluksa aniya ngayon ang mga katropa ni Bartolome at tiniyak na bibigyang ayuda anv naulila nitong mahal sa buhay.
By Jonathan Andal