NANGAKO ang Nueva Ecija Police Provincial Office na bibigyan nito ng hustisya ang pagkamatay ng dalawang pulis sa Barangay Magsaysay Sur, Cabanatuan City.
Ayon kay provincial police director Col. Rhoderick Campo, iniimbestigahan pa nila ang kaso ng pagpaslang sa mga biktimang sina Staff Sgts. Allan Capinpin at Aries Dichoso, kapwa nakatalaga sa Drug Enforcement Unit o DEU ng City Police Station.
Nasa loob ng kanilang bahay sina Capinpin at Dichoso nang pumasok ang dalawang killer at pinagbabaril ang mga ito.
Bago ang pamamaslang, ayon kay Campo, pinangunahan nina Capinpin at Dichoso ang isang buy bust operation na naging dahilan upang makumpiska ang higit anim na raang libong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Sangitan West.