Nasa custody na ng NBI o National Bureau of Investigation ang dalawang police officials na umano’y pumaslang sa isang babaeng miyembro ng citizen watch sa Gloria, Oriental Mindoro.
Sina Police Sr. Insp. Magdaleno Pimentel at Police Inspector Mark Sol Ameranes ay dinala ng mga ahente ng BJMP o Bureau of Jail Management and Penology sa NBI mula sa Bansud District Jail.
Matatandaang ipinag-utos ng Korte Suprema na ilipat sa Manila Regional Trial Court ang pagdinig sa kasong murder Nina Pimentel at Ameranes kasunod ng apela ng pamilya ng biktimang si Zenaida Luz dahil takot na maimpluwensyahan ng mga suspek ang hukom na hahawak ng kaso sa Mindoro.
By: Jelbert Perdez