Arestado ng PNP – CITF o Philippine National Police – Counter Intelligence Task Force ang dalawang pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nagtangka umanong mangikil ng P200,000.00 sa isang complainant.
Kinilala ni CITF Spokesperson Police Chief Inspector Jewel Nicanor, ang nahuling mga pulis na sina PO1 Leomer Redondo Suarez na kaka-reinstate lamang sa NCRPO matapos ma-AWOL at si PO1 Allan Madrigal, na kasalukuyang AWOL at umaapela pa para mabalik sa NCRPO.
Batay sa reklamo ng complainant, binantaan umano siya ng mga pulis na kakasuhan ng rape kung hindi magbabayad ng P200,000.00.
Ang halagang ito ay naibaba sa P50,000.00 at nagkasundo ang dalawang panig na magbabayad ang complainant ng P10,000.00 kada buwan.
Nauna rito, inakusahan ng pangmo – molestya ang complainant ng pinsan ni PO1 Suarez.
Kasalukuyang nang nasa CITF headquarters ang dalawang pulis at nakatakdang i – inquest sa kasong roberry at extortion.