Arestado ang dalawang (2) pulis Pasay sa ikinasang entrapment operation ng PNP- Counter Intelligence Task Force dahil sa umano’y pangongotong.
Kinilala ang mga pulis na sina PO2 Jerry Adjani Jubail at PO1 Michael Mendivel Domalanta.
2 pulis, arestado ng PNP-CITF dahil sa pangongotong umano ng 300-500 piso sa bawat bus at van na magsasakay sa illegal terminal sa Pasay City @dwiz882 pic.twitter.com/ZfPXlh5fi7
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 25, 2018
Ayon kay Sr. Superintendent Chiquito Malayo, hepe ng CITF, nangongolekta ang 2 pulis ng P300 hanggang P500 piso sa bawat bus/van driver para makapagsakay ang mga ito ng mga pasahero sa illegal terminal sa Pasay City.
Hindi aniya bababa sa P5,000 ang nakokolekta ng 2 pulis kada araw sa mga pamapasherong bus at van
Noong isang taon pa aniya ito ginagawa ng mga nahuling pulis.
Sa ngayon, sibak na sa puwesto sina PO2 Jubail at PO1 Domalanta at nasa kustodiya ng CITF sa Camp Crame.
Nakatakda silang isalang sa inquest proceeding ngayong araw para masampahan ng kaso.
PANOORIN: Pagaresto ng PNP-CITF sa 2 pulis na nangongotong umano sa mga bus at van driver sa Pasay City @dwiz882 pic.twitter.com/gcXtMOan43
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 25, 2018
—-