Sibak sa puwesto ang dalawang pulis sa Quezon City na inireklamong nanipol ng isang babae sa may Katipunan Avenue.
Kinilala ang mga inireklamo bilang sina Police Office 1 Domingo Cena at Police Officer 2 Ric Tanguilan.
Nahagip ng CCTV ng MMDA ang patrol car ng mga naturang pulis na positibo namang kinumpirma ng biktimang si Carmela 21-anyos na silang nanipol umano sa kaniya gabi ng November 2.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Catcalling Ordinance ng Quezon City ang isasampa sa dalawang pulis.
Dawit din ang patrol supervisor na si SPO1 Ariel Camiling na mahaharap sa kasong dishonesty dahil sa pinagtakpan ang dalawang pulis.
—-