Sugatan ang dalawang tauhan ng Iloilo Provincial Mobile Force Company nang pasabugan ng landmine ng New People’s Army (NPA) kahapon.
Kinilala ang mga nabiktima na sina Chief Inspector Abner Jordan at PO2 Rosenie Lebuna na miyembro ng nasabing police unit.
Ayon kay Police Regional Office 6 Director C/Supt. John Bulalacao, sinasabing nangyari ang insidente sa Barangay Gumboc bayan ng Iloilo.
Nagpapatrolya lamang aniya ang mga miyembro ng nasabing unit nang tambangan sila ng mga rebelde at pinasabugan gamit ang landmine.
Bagay na kinondena ni Bulalacao dahil labag iyon sa Republic Act 9851 o ang Philippine act on crimes against international humanitarian law, genocide and other crimes against humanity.
Labag din aniya iyon sa Ottawa Treaty kung saan, mahigpit ding ipinagbabawal ang paggamit ng mga landmine.