Pinasuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang operasyon ng dalawang lisensyadong recruitment agency.
Ito’y matapos mapag-alaman na nagdedeploy ang naturang mga agency ng mga menor de edad bilang household service worker sa Saudi Arabia.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, suspindido na ang LGH International Services at Side International Manpower Inc.
Ang mga ito aniya ay nagpapadala ng 14 hanggang 17 taong gulang na kasambahay sa Riyadh at Jeddah.
Malinaw umano na paglabag ito sa mga alituntunin ng POEA.