Suspendido ang 2 referees ng Philippine Basketball Association o PBA.
Epektibon kahapon, Disyembre 29 ang suspensyon kina referees Edward Aquino at Rommel Gruta.
Sa isinagawang deliberasyon sa pangunguna ng technical committee, napatunayang hindi nagpataw ng five-seconds violation at stepping infraction ang dalawang opisyal kay Globalport Guard Stanley Pringle sa overtime game noong Linggo kontra Barangay Ginebra.
Nangangahulugan ito na hindi maaaring mag-officiate sina Aquino at Gruta sa maximum na 21 laro at minimum na 15 sa pagpapatuloy ng quarter finals ng PBA Philippine Cup.
Agad namang humingi ng pamumanhin ang dalawang referees sa kanilang kamalian.
By: Meann Tanbio