Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na nakatanggap sila ng dalawang reklamo, kaugnay sa vote-buying ngayong panahon ng pangangampanya para sa eleksyon.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Erwin Garcia, ang reklamo ay inihain ng kowalisyong novaleno kontra korapsyon laban kay Rose Nono Lin, na tumatakbong Congressional Representative sa Quezon City.
Dahil dito, iniimbestigahan na ng COMELEC si Lin na sangkot din sa maling paggamit ng COVID-19 response funds.
Tiwala naman si Garcia na magiging warning ang inihaing kaso para sa mga kandidatong sangkot sa vote-buying. – sa panulat ni Abby Malanday