Aabot sa dalawa ang nasawi sa Marinduque matapos na tangayin ng rumaragasang baha at malakas na current ng ilog dahil sa bagyong Jolina.
Ayon sa MIMAROPA Police Regional Office, isang mangingisda ang namatay sa bayan ng Buenavista.
Nakuhanan nanam ng video ang tangkang pagtawid sa ilog ng isang 65 years old na lalaki habang nanonood naman sa pampang ang mga kaanak nito.
Pinalalahahan pa ng mga kaanak nito na huwag nang tumawid sa ilog pero tinangay na ito ng agos habang nakawak sa tuyong sanga ng puno.
Natagpuan naman ang katawan nito ilang metro lang sa kaparehong ilog nitong Martes.—sa panulat ni Rex Espiritu