Patuloy pa ring matatanggap ng 2 retiradong Heneral na isinasangkot sa operasyon ng iligal na droga, ang kanilang pensyon at iba pang benepisyo
Ito’y ayon kay PNP Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos ay hangga’t wala pang naisasampang kaso laban kina Retired Police General Marcelo Garbo at Daan-bantayan Cebu Mayor Vicente Loot
Bagama’t inamin ni Carlos na masusupinde lamang ang mga tinatanggap na benepisyo ng 2 retiradong pulis kapag napatunayan ang kanilang pagkakasangkot sa iligal na operasyon
Ayon pa kay Carlos, nasa ilalim na ng kapangyarihan ng Department of Interior and Local Government o DILG si Loot habang itinuturing na isang sibilyan na lamang si Garbo na maaaring kasuhan sa isang regular na korte
By: Jaymark Dagala