Nasunog ang dalawang rubber float factory sa Sta Maria, Bulacan.
Umabot ng ikalawang alarma ang nasabing sunog na nagsimula mag 12:00 ng hatinggabi.
Ayon kay Fire Senior Inspector Fernando Clemente, Municipal Fire Marshall ng Sta. Maria BFP, posibleng nag ugat ang sunog sa problema sa kuryente subalit hindi kinaya ng fire extinguisher ang apoy kayat lumaki pa.
Nadamay din aniya sa sunog ang isang bahay at apat na sasakyan.
Inaalam na ng mga otoridad ang dahilan ng sunog at kung magkano ang danyos dito.
By Judith Larino