Hindi dapat bigyan ng special treatment ang dalawang Russian nationals na sangkot sa droga.
Paalala ito ng Commission on Human Rights sa Pangulong Rodrigo Duterte na tumiyak kay Russian Prime Minister Dmitri Medvedev sa kanilang bilateral meeting na mabibigyan ng patas na imbestigasyon sa dalawang Russian drug suspects.
Ayon kay Atty. Jacqueline De Guia, Spokesperson ng CHR, normal lamang na dumaan sa due process at magkaroon ng fair trial subalit dapat na tratuhin ng patas ang mga suspek na nahaharap sa anumang kaso.
Dapat din aniyang ipatupad ang patas na paglilitis ano paman ang nationality ng mga suspek.
—-