Kinasuhan na ang dalawa sa tatlong Chinese nationals na suspek sa pamamaril sa dalawang kapwa nila Chinese nationals sa Makati City.
Kinilala ang mga kinasuhan na sina Yang Chau at Liang Yuan Wu.
Ayon kay Police Colonel Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, nagkita ang mga suspek at mga biktima sa isang hot pot restaurant upang magpalit ng Chinese Yuan sa piso.
Nakita anya sa CCTV na magkakasama ang lima pagpasok ng restaurant subalit makaraan lamang ang ilang minuto ay nagmamadaling umalis sa lugar ang tatlo.
Dead on the spot ang isa sa dalawang Chinese nationals na nakilalang si Yin Jian Tao samantalang nasa ospital ang isa pa.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong robbery with murder, frustrated murder at illegal possession of firearms.
Samantala, tinutugis pa rin ng Makati City Philippine National Police (PNP) ang isa pang suspek.