Dalawa lamang sa limang mga consumers ang inaalok ng generic medicines sa mga botika.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) kasabay ng paggunita sa generics month.
Ayon kay Dr. Irene Florentino-Fariñas, Policy Program Development and Research Unit Head ng DOH pharmaceutical division, mayroon nang tumataas na share ng generic na gamot sa merkado.
Mahigit 83% rin aniya ng mga doktor ang sumusunod sa Generic Law ngunit mababa lamang ang rate ng generic substitution o kusang pag-aalok ng parmasiyutiko ng iba o generic na brand ng gamot.
Paliwanag ni Fariñas, posibleng dahilan nito ay ang mga doktor na nagbibigay lamang ng reseta ng mga branded na gamot na available sa mga botika na posibleng pagmamay-ari din nila o mga doktor na nasa ilalim ng kontrata ng isang pharmaceutical companies.