Kulang sa nutrisyon ang dalawa sa limang North Koreans.
Ito ang lumabas sa ulat ng United Nations kung saan katumbas ito ng 10.5 milyon katao o 41 porsyento ng kabuuang populasyon ng NoKor.
Ayon sa UN, 70 porsyento anila ng populasyon ng Hilagang Korea ang umaasa sa food aid.
Malaking bilang din anila ng mga North Korean ang walang access sa basic healthcare and sanitation.
Sinasabing diarrhea at pneumonia ang dalawang pangunahing sanhi ng kamatayan ng ng mga batang nasa edad lima pababa.
By Ralph Obina