Naaresto na kahapon ang dalawa sa anim na bilanggong nakatakas mula sa Laguna Provincial Jail sa bayan ng Sta. Cruz noong linggo.
Ayon kay Rommel Palacol ng Laguna Action Center, nahuli ng mga miyembro ng Cavite Police Intelligence Unit ang mga pumugang preso sa barangay Pasong Buaya 1, Imus City sa Cavite.
kinilala ang mga preso na sina Rhandel Vale, na may kasong murder at Romel Macaraig, na may kaso naman carnapping at illegal possession of explosives.
Samantala, hindi pa natutunton ng mga awtoridad ang 4 na iba pang pugante na sina Verjust Dizon, na sangkot sa ilegal na droga, Rio Mahilom, na may kasong illegal possession of firearms and explosives, at sina Rayman Raymundo at Teddy Bucal, na may kasong pagpatay.