Nilagdaan na ng Pangulong Noynoy Aquino ang dalawa sa priority economic bills ng gobyerno.
Sa isinagawang seremonya sa Malacañang na sinaksihan ng mga miyembro ng kongreso, inaprubahan ng Pangulo ang Philippine Competition Act gayundin ang amendments sa 50 taon nang Cabotage Law.
Layon ng Competition Act na maisulong ang free trade sa pamamagitan nang pagpaparusa sa mga sangkot sa price fixing sa mga auction at bidding.
Dahil naman sa pag-amiyenda sa Cabotage Law, bababa na ang shipping cost para sa export at import cargo.
Ipinagmalaki ng Pangulong Aquino ang mga naturang batas na titiyak sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ikinatuwa naman ni Senate President Franklin Drilon ang pagiging batas ng Philippine Competition Act at Amendments sa Cabotage Law.
Ayon kay Drilon, makakatulong ang mga naturang batas para mapahusay ang kahandaan ng Pilipinas sa Asian Economic Integration.
Layon aniya ng dalawang batas na ma protektahan ang mga consumer at maihanda ang local market sa mga hamon sa market integration ng mga bansa sa Asya.
Sinabi ni Drilon na ang pagkakapasa ng mga nasabing panukala ay tagumpay ng pang karaniwang mamamayan dahil ito ang inaasahang magbe-benepisyo sa paghusay ng market policies.
Binalaan ni Drilon ang mga kumpanyang sangkot sa unfair business practices na magmumulta ng P250 million pesos bukod pa sa kulong ng 7 taon.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)