Nakatakdang pangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang paggawad ng pinakamataas na parangal sa dalawang PNP-SAF commando na kabilang sa 44 na troopers na nasawi sa Mamasapano encounter.
Kinumpirma ni Presidential Communications Undersecretary Manolo Quezon III na dadalo ang Pangulo sa seremonya para sa unang anibersaryo ng Mamasapano massacre sa Kampo Crame, Quezon City, ngayong araw.
Igagawad ng Pangulo ang medalya ng kagitingan o PNP medal of valor na pinakamataas na military honor kina Chief Inspector Gebnat Tabdi at PO2 Romeo Cempron.
Bukod anya sa parangal sa dalawa, gagawaran din ng Pangulo medalya ng kabahayanihan ang iba pang miyembro ng SAF 44.
Prayers
Nag-alay naman ng panalangin ang mga sundalo para sa mahigit 60 kataong napatay sa Mamasapano encounter sa Maguindanao, noong Enero 25 ng isang taon.
Pinangunahan ni Major General Edmundo Pangilinan, Commander ng 6th Infantry Division ng Army ang pag-aalay ng Christian at Muslim prayers sa mismong encounter sa Barangay Tukanalipao.
Ito’y bilang bahagi ng isang taong anibersaryo ng engkwentro sa pagitan ng PNP-Special Action Force at mga rebeldeng Moro.
Apatnapu’t apat (44) na SAF commandos ang kabilang sa nasawi habang 17 ang nalagas sa panig ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) bukod pa sa 3 sibilyan.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)