Lagda na lang umano ni Pangulong Noynoy Aquino ang kulang sa igagawad na posthumous awards para sa 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force na nasawi sa Mamasapano incident.
Ito, ayon kay DILG Undersecretary Eduardo Escueta, base na rin sa rekomendasyon ng National Police Commission o NAPOLCOM.
Sinabi ni Escueta na ang parangal para sa SAF 44 ay bilang pagkilala sa kagitingan at sakripisyong ginawa ng mga ito sa pagtugis sa teroristang si Malaysian terrorist Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.
Pagkakalooban ng Medalya ng Kagitingan o medal of valor sina Chief Inspector Cednat Tabdi at PO2 Romeo Cempron.
Medalya ng kabayanihan o PNP distinguished conduct medal naman ang tatanggapin ng 42 iba pang SAF troopers na napatay din sa madugong engkwentro.
By Jelbert Perdez