Sinibak na sa serbisyo ang dalawang aktibo pang heneral ng Philippine National Police o PNP na kasama sa narco-list ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang dismissal order laban sa kina Chief Superintendent Edgardo Tinio at Chief Superintendent Joel Pagdilao ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Sina Tinio at Pagdilao ay sinampahan ng kasong administrastibo ng National Police Commission noong Agosto ng nakaraang taon.
Kabilang sa mga kaso ang serious neglect of duty, serious irregularity in the performance of duty at conduct unbecoming of an officer and a gentleman dahil sa pagkakasangkot nila sa illegal drugs.
Maliban kina Tinio at Pagdilao, kasama rin sa narco-list ng Pangulo sina Chief Supt. Bernardo Diaz, retired Generals Vicente Loot na mayor na ngayon sa Daanbantayan Cebu at Marcelo Garbo.
(Ulat ni Jopel Pelenio)