Nawawala matapos magpunta sa isang sabungan sa Batangas ang dalawang lalaki mula sa Bulacan.
Base sa reklamo ng mga kaanak ng mga biktima, gabi ng Enero a-6 nang sunduin ng puting van sina Edgar Malaca at Alexander Quijano sa Calumpit, Bulacan para magpunta sa isang sabungan sa Lipa, Batangas para magtari ng panabong na manok.
Nakausap pa umano ng pamilya malaca ang kaniyang kapatid kung saan, sinabi nitong natalo ang lahat ng nilabang manok sa sabungan at magpapahinga na muna dahil may laban pa kinabukasan.
Enero a-8 ay hindi na daw umano nakausap ang mga biktima hanggang sa ireport na ang mga ito sa mga otoridad.
Kinabukasan, Enero a-9 ng may tumawag sa pamilya ng mga biktima kung saan nakita umano ang sinakyang van ng mga biktima na inabandona sa Calumpit, Bulacan.
Ayon sa mga otoridad, tanging mga gamit nalang ng mga biktima ang nakita sa loob ng van.
Sa ngayon, palaisipan parin kung saan, nagtungo o napadpad ang mga biktima.
Humihingi naman ng tulong sa publiko ang pamilya ng mga biktima sa mga makakakita o may impormasyong nalalaman ay agad na ipaalam sa kinauukulan.
Sa ngayon, patuloy sa imbestigasyon ang Calumpit Police Station kaugnay sa kaso ng mga nawawalang indibidwal sa Bulacan. —sa panulat ni Angelica Doctolero